Global

JULIA BARRETTO, NABATIKOS DAHIL SA PAGSISINUNGALING TUNGKOL SA PAGKAIN NG ISAW

Kumakalat ngayon sa iba’t-ibang social media platforms ang viral video ng aktres na si Julia Barretto habang masayang kumakain noon ng isaw kasama ang kanyang mga ka-loveteam noon na sina Ronnie Alonte at Enrique Gil.

Inakusahan siya ng publiko na ‘di umano ay sinungaling daw dahil kamakailan lamang ay sinabi nito sa hindi pa siya kahit kailan nakakakin ng isaw.

Matatandaan na viral nitong mga nakaraang linggo ang kauna-unahang vlog ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Sa nasabing vlog ay pinakain ni Gerald si Julia ng iba’t-ibang klase ng Pinoy street foods.

Isa sa mga pagkain na inihanda ng aktor ay ang isaw. Makikita sa parte na ito na diring diri si Julia sa nasabing pagkain at sinabi nito na ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na kakain siya ng isaw.

Tanong sa kanya ni Gerald, “Never kang kumain nito?”

Ngunit tila taliwas ang mga pahayag na ito sa pinagpipiyestahang video ngayon ng aktres sa social media. Makikita sa mga video na ito na bumuinili si Julia ng isaw at enjoy na enjoy siyang kinakain ito. Makikita pa na napapasayaw ang aktres habang kumain nito.

“Never ever. Only for you,” sagot naman ng aktres.

Dahil doon ay umani ng iba’t ibang reaksyon at batikos ang aktres. May mga netizen pa na nagsabi na sadyang sinungaling ang dalaga.

Komento ng isa, “Julia Barretto gets namin mag deny ka na 3rd party ka sa bea -gerald break up na btw jowa mona ngayon.. Gets namin yun. Isa lang tanong ko bakit mo dine-deny ang ISAW????? Wag ganon juls. Bad yan. HAHAHA!”

May mga nagsasabi pang nagpapansin at nagaarte-artehan lang daw si Julia sa harap ng nobyo nito.

 

Facebook Comments Box

Leave a Reply

Your email address will not be published.